Tanggapan ng Komisyoner ng Ministring Panlabas ng Tsina sa HKSAR, suportado ang Batas laban sa mga Sangsyong Dayuhan

2021-06-13 14:48:07  CMG
Share with:

Sinabi kahapon, Hunyo 12, 2021, ng Tanggapan ng Komisyoner ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na buong tatag na itinataguyod at sinusuportahan ng tanggapang ito ang bagong pinagtibay na Batas laban sa mga Sangsyong Dayuhan ng bansa.

 

Ayon sa tagapagsalita ng naturang tanggapan, mahalaga ang batas na ito para sa paglaban sa hegemonismo at makapangyarihang pulitika ng ilang bansang kanluranin. Mahalaga rin ito para pangalagaan ang soberanya, katiwasayan, at mga kapakanang pangkaunlaran ng Tsina, dagdag ng tagapagsalita.

 

Tinukoy din ng tagapagsalita, na nitong nakalipas na mga panahon, nakikialam ang ilang bansang kanluranin sa mga suliraning panloob ng Tsina, sa pamamagitan ng pagpataw ng mga ilegal na sangsyon laban sa mga organo ng estado, organisasyon, at indibiduwal.

 

Layon nitong hadlangan ang pag-unlad ng Tsina, at lumalabag din ito sa pandaigdigang batas at mga saligang norma sa relasyong pandaigdig, diin ng tagapagsalita.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method