14℃
Beijing

Bui Thanh Son, muling manunungkulan bilang Ministrong Panlabas ng Biyetnam: mensaheng pambati, ipinadala ni Wang Yi

2021-07-29 10:35:08  CMG
Share with:

Isang mensaheng pambati ang ipinadala nitong Miyerkules, Hulyo 28, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina kay Bui Thanh Son kaugnay ng kanyang muling panunungkulan bilang Ministrong Panlabas ng Biyetnam.

Ani Wang, sapul nang pumasok ang taong ito, napapanatili ng kapuwa panig ang mataas na lebel na estratehikong pagsasanggunian, at patuloy ring lumalalim  ang bilateral na kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.

Dagdag ni Wang, ayon sa direksyon ng pag-unlad, na itinakda ng mga pinakamataas na lider ng dalawang partido at bansa, nakahanda siyang magsikap kasama ni Bui Thanh Son para mapasulong ang iba’t-ibang bilateral na gawain at makapagbigay-ambag para sa pag-unlad ng komprehensibong relasyong pangkooperasyon at pagkakaibigang Sino-Biyetnames.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method