Tsina, nanawagang magbuklud-buklod para gawing global public good ang bakuna

2021-08-06 15:28:35  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, ginanap kagabi, Agosto 5, 2021 ang kauna-unahang pulong ng International Forum on COVID-19 Vaccine Cooperation.

Tsina, nanawagang magbuklud-buklod para gawing global public good ang bakuna_fororder_20210806bakuna2

Nangulo sa nasabing pulong si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.
 

Binasa sa pulong ni Wang ang nakasulat na talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng bansa.
 

Inilahad ng nasabing nakasulat na talumpati ang mahalagang paninindigan hinggil sa pagpapaibayo ng pandaigdigang kooperasyon kontra pandemiya.
 

Ayon sa nasabing talumpati, igigiit ng Tsina ang ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan ng sangkatauhan, at aktibong pasusulungin ang pandaigdigang kooperasyon sa bakuna.
 

Diin ni Wang, dapat magbuklud-buklod at magtulungan upang pagtagumpayan ang pandemiya.

Tsina, nanawagang magbuklud-buklod para gawing global public good ang bakuna_fororder_20210806bakuna1

Binigyan ng mga dayuhang kasali sa pulong ng mataas na pagtasa ang namumunong papel ng Tsina sa pandaigdigang kooperasyon kontra pandemiya, lalong lalo na, kooperasyon sa bakuna.
 

Pinasalamatan din nila ang ibinigay na namumukod na ambag ng Tsina sa aspektong gaya ng pagpapatupad ng pangakong gawing pandaigdigang produktong pampubliko ang bakuna, pagkakaloob ng bakuna sa daigdig, lalong lalo na, sa mga umuunlad na bansa, at pagpapasulong sa accessibility at affordability ng bakuna sa mga umuunlad na bansa.
 

Ang tema ng pulong ay “Pagpapalakas ng Pandaigdigang Kooperasyon sa Bakuna, Pagpapasulong sa Patas at Magkatwirang Distribusyon ng Bakuna sa Buong Mundo.”
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method