Afghan Taliban, pumasok na sa Kabul; Afghan president, lumisan ng bansa

2021-08-16 00:28:14  CMG
Share with:

Sinabi Linggo ng gabi, Agosto 15, 2021 ni Zabihullah Mujahid, Tagapagsalita ng Taliban, na nakapasok na sa Kabul ang mga sandatahang tauhan nito para maigarantiya ang kaligtasan ng mga mamamayan at mapangalagaan ang kaayusang panlipunan.

Afghan Taliban, pumasok na sa Kabul; Afghan president, lumisan ng bansa_fororder_20210816Ghani600

Si Pangulong Mohammad Ashraf Ghani ng Afghanistan

Sinabi naman nang araw ring iyon ni Abdullah Abdullah, Tagapangulo ng Afghan National Reconciliation Council, na lumisan na ng Afghanistan si Pangulong Mohammad Ashraf Ghani.

Sinipi ng Afghan media ang pananalita ng Afghan official na nagsasabing nagtungo si Ghani sa Tajikistan. Ngunit, hindi pa ito kinumpirma ng palasyong pampanguluhan ng Afghanistan.


Salin: Lito

Please select the login method