2021 CAEXPO, bubuksan sa Biyernes

2021-09-07 16:03:33  CMG
Share with:

Magsisimula sa Setyembre 10, 2021, ang Ika-18 China-ASEAN Expo (CAEXPO) at handa na ang lahat para rito.

 

Ang CAEXPO sa taong ito ay magtatampok sa mga temang kinabibilangan ng pagpapataas ng estratehikong pagtitiwalaan, kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, inobasyong pansiyensiya at pangteknolohiya, at paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Idaraos din ang maraming aktibidad tungkol sa kabuhayan at kalakalan, siyensiya at teknolohiya, digital na ekonomiya, pagpapalitang pangkalusugan at iba pa.

 

Umabot sa 102 libong metro kuwadrado ang lugar na pagtatanghalan sa panahon ng CAEXPO. Patuloy na itatayo sa CAEXPO ang mga zona ng pagtatanghal na espesyal para sa mga bansang kabilang sa “Belt and Road Initiative (BRI).” 

 

Mahigit 20 bansa ang lalahok sa CAEXPO na kinabibilangan ng mga bansang ASEAN, Pakistan, Poland, Timog Korea, Hapon, Australia, New Zealand, Rusya, Pransya, Espanya at iba pa.

 

Handa na rin ang online CAEXPO. Isang buong taon bukas ang plataporma ng online CAEXPO.

2021 CAEXPO, bubuksan sa Biyernes_fororder_caexpo

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method