14℃
Beijing

Konsultasyon ng iba't-ibang paksyon ng Guinea, idinaos

2021-09-15 15:35:47  CMG
Share with:

Ayon sa China Global Television Network –China Media Group (CGTN-CMG), idinaos Setyembre 14, 2021 sa People's Palace, Conakry, kabisera ng Guinea, ang 4 araw na konsultasyon sa pagitan ng naghaharing hunta at iba't-ibang paksyon ng bansa. 

Konsultasyon ng iba’t-ibang paksyon ng Guinea, idinaos_fororder_03guinea

Lumahok dito sina Cellou Dallein Diou, lider ng partido oposisyon at dating punong ministro ng Guinea; pangalawang lider ng Rally of the People of Guinea (RPG), partido ng natanggal sa puwestong si Pangulong Alpha Conde; at Koronel Mamadi Doumbouyas, lider ng panig militar.

 

Pagkatapos ng 1 oras na saradong-pintong pagpupulong, ipinahayag sa media ng mga kalahok na magkakasama silang magsisikap para itayo ang bagong organo ng halalan alinsunod sa pangakong pandaigdig.

 

Anila pa, dapat igalang ng iba’t-ibang panig ang kooperasyong pandaigdig ng Guinea, partikular, ang pakikipagkooperasyon ng Guinea sa Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Koment( Komento)

Please select the login method