14℃
Beijing

Tropang Amerikano, inaming napatay ang 10 sibilyan sa air raid sa Kabul

2021-09-18 12:07:05  CMG
Share with:

Inamin nitong Biyernes, Setyembre 17, 2021 ng panig militar ng Amerika na 10 sibilyan na kinabibilangan ng 7 bata ang namatay kaugnay ng drone strike na inilunsad nito sa Kabul, kabisera ng Afghanistan, noong Agosto 29.
 

Sa news briefing sa Pentagon, sinabi ni Kenneth McKenzie, Komander ng Central Command ng Amerika, na pagkatapos ng imbestigasyon at analisasyon, imposibleng may-kaugnayan sa ISIS-K ang sasakyang de-motor at mga nasawi na sinalakay ng tropang Amerikano noong panahon iyon.
 

Wala aniya silang direktang panganib sa tropang Amerikano.
 

Aniya, “trahedyang kamalian” ang nasabing drone strike.
 

Humingi siya ng paumanhin para rito, at aakuin ang lahat ng pananagutan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method