28, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland Oktubre 2: 2, domestikong kaso

2021-10-03 10:59:16  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 28 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Sabado, Oktubre 2, 2021.

Kabilang dito, 26 ang galing sa ibang bansa, at 2 iba pa ay domestikong kaso (1 sa lunsod Ha'erbin, at 1 sa lunsod Xiamen).

Hanggang magha-hating gabi ng Oktubre 2, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 868.

Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.


Salin: Lito

Please select the login method