24, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland: lahat, galing sa labas ng bansa

2021-10-10 12:40:54  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina nitong Sabado, Oktubre 9, 2021, 24 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland, at lahat ng mga ito ay galing sa labas ng bansa.

Batay pa sa datos, sa araw ng Oktubre 9, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 731.

Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method