Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, Nobyembre 3, 2021, 104 ang bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Sa mga ito, 17 ay galing sa labas ng bansa, at 87 ay domestiko.
Bukod dito, 3 ang bagong naitalang pinaghihinalaang kaso, na galing sa labas ng bansa.
Hanggang magha-hati gabi ng Nobyembre 3, 2021, 1,080 ang umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulio:Rhio