Pagtatatag ng sci-tech management system, panawagan ng Pangulong Tsino

2021-11-25 11:00:43  CMG
Share with:

Nitong Miyerkules, Nobyembre 24, 2021, nangulo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ika-22 pulong ng Komite Sentral sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma.

Ipinagdiinan ni Xi na dapat pabilisin ang pagtatatag ng sci-tech management system sa mataas na lebel, at pataasin ang kakayahan ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya.

Nanawagan din si Pangulong Xi na dapat pabutihin ang pangkalahatang desenyo ng merkado ng koryente upang mabuo ang nagkakaisa, bukas, maayos, ligtas, mabisa at kumpletong electricity market system sa lalong madaling panahon.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method