Premyer Tsino, nanawagan sa mga bansang Asyano at Europeo na magkaisa at magtulungan

2021-11-27 17:40:44  CMG
Share with:

Premyer Tsino, nanawagan sa mga bansang Asyano at Europeo na magkaisa at magtulungan_fororder_1310335458_16379642441121n

 

Lumahok kahapon, Nobyembre 26, 2021, sa pamamagitan ng video link, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, sa di-pormal na pulong ng Ika-13 Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit.

 

Ipinahayag ni Li, na sa harap ng mahalagang tungkulin ng paglaban sa pandemiya ng COVID-19 at pagpapasulong sa pagbangon ng kabuhayan, dapat panatilihin ng mga bansang Asyano at Europeo ang kompiyansa at lakas-loob sa pagtatagumpay sa kahirapan, at igiit ang pagkakaisa at pagtutulungan.

 

Tinukoy niyang, magkakabisa sa darating na taon ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), at magdudulot ito ng bagong lakas sa pagbangon ng rehiyonal na kabuhayan.

 

Nanawagan din si Li sa mga bansang Asyano at Europeo, na pangalagaan ang pandaigdig na sistema na ang United Nations ay nukleo, pandaigdig na kaayusan na ang mga pandaigdigang batas ay batayan, at mga saligang norma sa pandaigdig na relasyon na ang mga layon at prinsipyo ng UN Charter ay basehan.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method