Pinasinayaan ngayong araw, Abril 5, 2022, ang Binondo-Intramuros Bridge, na naitayo sa pamamagitan ng pondo mula sa Official Development Assistance (ODA) ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa inagurasyon, pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Tsina sa pagiging katuwang para sa pagpapasulong ng mga pangunahing proyekto ng imprastruktura sa Pilipinas.
Ang Binondo-Intramuros Bridge ay two-way at four-lane na tulay sa itaas ng Pasig River. Pagkaraang bukas sa publiko ang tulay, hindi lamang mababawasan nito ang panahon ng biyahe sa pagitan ng Intramuros at Binondo sa Manila, kundi makikinabang din dito ang humigit-kumulang sa 30,000 sasakyan kada araw.
Kahanga-hanga rin ang disenyo ng tulay na may basket-handle tied steel arch, na sumisimbolo sa paghahawak-kamay, pagkakapit-bisig, at pagiging magkaagapay ng Pilipinas at Tsina.
Ang tulay na ito, kasama ng Estrella-Pantaleon Bridge na nagbukas noong Hulyo 29, 2021, ay mahalagang bunga ng kooperasyong pampamahalaan sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina at Build, Build, Build program ng Pilipinas.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos