Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinatanggap ng kanyang bansa ang normal na pagpapalagayang pansibilyan ng Unyong Europeo (EU) at Taiwan sa larangan ng kabuhayan at kalakalan, pero binigyang-diin niyang matinding tinututulan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyong opisyal ng nasabing dalawang panig.
Pinagtibay ng Parliamento ng Europa noong ika-9 ng Oktubre ang resolusyon na nananawagan sa Komisyon ng EU na isagawa ang talastasan sa Taiwan hinggil sa kasunduan ng paggarantiya ng pamumuhunan at pagpasok sa pamilihan para palalimin ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Hua na ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina. Dagdag pa niya, dapat maingat na hawakan ng EU ang mga isyung may kinalaman sa Taiwan para maiwasan ang negatibong epekto sa relasyon ng Tsina at EU.
Umaasa aniya siyang susundin ng EU ang prinsipyong "Isang Tsina" at hindi nagsasagawa ng pagpapalagayang opisyal sa Taiwan, o lalagda sa anumang kasunduang opisyal.
Salin: Ernest