Sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-9 na Porum na Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Magkabilang Pampang na idinaos sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ipinahayag ngayong araw ni Yu Zhengsheng, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), na sa kasalukuyan man at hinaharap, ang pangunahing tungkulin ng pamahalaang sentral ay patatagin at palalimin ang pundasyong pulitikal, pangkabuhayan, kultural, at panlipunan para sa mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang. Buong sikap na magsisikap ang pamahalaang sentral para makapagbigay ng kapakanan sa mga kababayan ng magkabilang pampang at sa buong Nasyong Tsino.
Salin: Li Feng