Binuksan ngayong araw sa Warsaw ang Ika-19 na Pulong na Ministeryal ng mga Signatoryong Panig ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) at Ika-9 na Pulong na Ministeriyal ng mga Signatoryong Panig ng Kyoto Protocol.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, nanawagan si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN sa iba't ibang bansa na harapin ang hamon na dulot ng pagbabago ng klima batay sa "talino, pagpapahalaga sa agarang pagkilos at determinasyon." Hinimok din niya ang mga maunlad na bansa na tupdin ang pangako na magbigay ng tulong ng pondo at teknolohiya sa mga umuunlad na bansa para harapin ang pagbabago ng klima.
salin:wle