|
||||||||
|
||
166 na bagong silid-aralan na itinayo sa pamamagitan ng mga materyal at teknisyan mula sa Tsina ang pinasinayaan kahapon sa Tacloban City, isa sa mga lugar na pinakaapektado ni Super Typhoon Yolanda (international name: Haiyan) noong 2013.
Ang nasabing mga silid-aralan ay matatagpuan sa 20 paaralan sa Tacloban, Palo, Tolosa, Tanuan at iba pang mga lugar na tinamaan nI Yolanda.
Ang mga ito ay itinayo sa magkasamang pagtataguyod ng Red Cross Societies ng Tsina at Pilipinas.
Sa pasinaya ng San Jose Central School sa Tacloban, inabot ni Zhao Baige, Pangalawang Presideteng Ehekutibo ng Red Cross Society of China (RCSC) ang mga susi ng silid-aralan sa 20 paaralan. Sinabi niya na ikinagulat ng RCSC ang pinsalang dulot ni Yolanda at ang pagkadismaya ng mga apektaong Pilipino. Nang malaman ang kalamidad, ipinadala kaagad ng RCSC sa mga apektadong lugar ang grupong panaklolo na binubuo ng 100 manggagamot, nars at boluntaryo para tulungan ang mga nabiktima. Idinagdag niya, sa suporta ng Philippine Red Cross, naitayo ng RCSC ang mga silid-aralang may sukat na 60 kuwadrado metro tig-isa, sa loob ng dalawang buwan. Kasabay nito, ang RCSC Hong Kong branch at HSBC Bank ay nag-abuloy ng 8,300 silyang pang-estudyante at 166 pares ng desk at silya para sa mga guro.
Sinabi naman ni Philippine Red Cross Chairman Richard na ang nasabing 166 silid-aralan ay patunay ng magkasamang pagsisikap ng Red Cross Societies ng Pilipinas at Tsina para makumpleto ang misyon para sa benipisyo ng mga mamamayan. Inaasahan din niya ang ibayo pang pagtutulungan ng dalawang societies para sa rehabilitasyon ng mga lugar na apektado nI Yolanda.
Ipinahayag din ni Armin Luistro, Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon ang pasasalamat sa tulong RCSC.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |