Sa magkahiwalay na okasyon, nakipag-usap kahapon sa telepono si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang Malaysian at Vietnames counterpart na sina Anifah Aman at Pham Binh Minh hinggil sa insidenteng nawawalang pampasaherong eroplano ng Malaysia Airlines.
Sa pakikipag-usap kay Anifah Aman, sinabi ni Wang na lubos na sinusubaybayan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang pangyayaring ito. Aniya pa,, inutusan na ni Pangulo Xi Jinping ang mga may-kinalamang departamento ng bansa para isagawa ang paghahanap at pagliligtas. Dumating na rin aniya ang mga rescue boat ng Tsina sa karagatan, kung saan posibleng naganap ang insidente. Samantala, sinabi rin ni Wang na nakipag-usap din kahapon si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia hinggil dito. Umaasa aniya ang Tsina na buong lakas na ipagpapatuloy ng Malaysia ang paghahanap at pagliligtas.
Ipinahayag naman ni Anifah Aman na ipagpapatuloy ng kanyang bansa ang rescue work at pakikipag-ugnayan sa Tsina.
Nang kausapin si Pham Binh Minh, ipinahayag ni Wang ang pag-asang magbibigay-tulong ang Vietnam sa gawain ng paghahanap at pagliligtas sa mga pasahero ng nawawalang eroplano.