|
||||||||
|
||
Sinabi ngayong umaga ni Guo Shaochun, Puno ng Working Group ng Tsina hinggil sa nawawalang Malaysia Airlines Flight MH 370 na ang pinakahalahalang dapat gawin sa kasalukuyan ay ang paghahanap at pagliligtas.
Ipinahayag ito ni Guo bago siya magtungo sa Malaysia kasama, ang mga katrabaho at mga kamag-anak ng mga pasaherong sakay ng nasabing eroplano.
Ipinaghayag din ni Guo na buong-higpit na makikipagtulungan ang magkasanib na working group ng Tsina sa Malaysia at ibang pang mga bansa para matupad ang paghahanap at pagliligtas at imbestigahan ang dahilan ng trahediya.
Ang working group ay binubuo ng mga tauhan mula sa Ministring Panlabas, Ministri ng Pampublikong Seguridad, Ministri ng Transportasyon at Administrasyon ng Abiyasyong Sibil.
Aniya, nagpupunyagi ang Tsina para mahanap ang mga nawawalang pasaherong lulan ng Malaysia Airlines flight MH370. Dalawa't katlo (2/3) ng 239 na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng umaga noong nagdaang Sabado (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga.
Nawalan ito ng kontak sa air traffic control alas-2:40, habang lumilipad sa Ho chi Minh City, Biyetnam
Salin: Jade
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |