Nag-usap kahapon sa Paris sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Francois Hollande ng Pransya. Kaugnay sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya, ipinahayag ng dalawang punong ehekutibo na nananatiling mainam ang relasyong Sino-Pranses. Dapat din anilang pahigpitin pa ang kanilang estratehikong partnership sa pamamagitan ng pagpapalalim ng diyalogong pulitikal, pagpapalakas ng pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, at pagpapahigipit ng koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Ipinalabas ng dalawang panig ang dokumentong "Magkasanib na Komunike ng Tsina at Pransya" at "Mid-long Term Landscape ng Relasyong Sino-Pranses."
Dumalo rin ang dalawang pangulo sa seremonya ng paglalagda sa mga kasunduang pangkooperasyon sa ibat-ibang larangan, gaya ng sa kabuhayan at kalakalan, enerhiyang nuklear, siyensiya at teknolohiya, at iba pa.