Ipinahayag kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ang pagkabahala sa pagsidhi ng marahas na aksyon sa pagitan ng Israel at Palestina. Nanawagan siya sa naturang dalawang panig na magtimpi para mapigilan ang kawalan ng kontrol ng kalagayan ng rehiyong ito.
Sa kanyang pahayag kahapon, kinondena ni Ban ang rocket attack na nakatuon sa Israel. Bukod dito, sinabi ni Ban na ang aksyong militar ng Israel sa Gaza Strip ay nagresulta sa kasuwalti ng ilang Palestino.
Sapul noong nagdaang Hunyo, inatake ang Israel ng mahigit 240 rocket na inilunsad ng mga armadong Palestino mula sa Gaza Strip. Bukod dito, ang air raid na isinagawa ng tropang Israeli sa Gaza Strip ay nagresulta sa pagkamatay ng 23 katao at pagkasugat ng mahigit 90.
Salin: Ernest