Dumalo kahapon sa Beijing sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika sa seremonya ng paglalagda sa 2014 US-China Green Partner Program. Ito ay isang bahagi ng 6th US-China Strategic and Economic Dailogue.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Yang na ang pagbabago ng klima at pangangalaga sa kapaligiran ay nagsisilbing komong hamong kasalukuyang kinakaharap ng Tsina at Amerika. Aniya, nagsisikap ang Tsina para mapasulong ang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal at magandang Tsina, at samantalang isinasagawa naman ng Amerika ang isang serye ng mga hakbangin para mapasulong ang konserbasyon. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Amerika para mapalawak ang pagtutulungan at totohanang mabigyan ng ginhawa ang mga mamamayan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng Green Partner Program ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni John Kerry na gumaganap ang Amerika at Tsina ng mahalagang papel sa larangang nakatuon sa pagbabago ng klima ng mundo. Umaasa aniya siyang makikisangkot ang mas maraming bansa sa kanilang Green Partner Program. Ito ay hindi lamang makakatulong sa win-win ng Tsina at Amerika, kundi maging sa komong interes ng daigdig, dagdag pa niya.