Sina Li Yuanchao at Hun Sen
Nakipagtagpo kahapon dito sa Beijing si Pangalawang Pangulong Li Yuanchao ng Tsina sa Pangulo ng Kambodya na si Hun Sen na kalahok sa Dialogue on Strengthening Connectivity Partnership.
Sinabi ni Li na ang Tsina at Kambodya ay maganda at totoong magkaibigan, buong tatag na pasusulungin ng Tsina ang pagkakaibigan ng dalawang panig at nakahandang panatilihin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, isagawa ang pagtutulungan at pagpapalitan sa iba't ibang aspekto, at walang humpay na palalimin ang estratehikong partnership ng Tsina at Kambodya.
Nagpahayag naman si Hun Sen ng pasasalamat sa mga pagkatig at tulong na ibinibigay ng Tsina nitong ilang taong nakalipas at sinabi niyang nagsisikap ang Kambodya na pangalagaan ang katatagan at kaunlaran ng bansa at nakahandang patuloy na palalimin ang pagtutulungan sa Tsina sa iba't ibang larangan.