Sa Beijing—Idaraos dito bukas ng umaga ang unang round ng di-pormal na pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC. Sa panahong iyan, sa pamamagitan ng News Radio ng China Radio International, isasagawa ng CRI ang live coverage sa mga lingguwahe ng Mandarin, Ingles, Hapones, Koreano, Biyetnames, Thai, Indonesian, Ruso, Kastila, at iba pa. Ang mga may kinalamang nilalaman ay ibobrokast sa mga platapormang gaya ng News Radio, Voice of South China Sea, short wave radio, CRI Online at iba pa.
Salin: Vera