Sa Great Hall of the People, Beijing—Nakipagtagpo dito ngayong araw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei.
Tinukoy ng pangulong Tsino na iginigiit ng Tsina at Brunei ang paggagalangan at pantay na pakikitungo sa isa't isa. Ito ay naging modelo ng may-harmonyang pakikipamuhayan, mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ng mga malalaki at maliliit na bansa. Nakahanda aniya ang panig Tsino na palakasin ang kooperasyon sa panig Bruneian sa larangan ng bagong enerhiya at upper and lower reaches ng industriya ng langis at natural gas, at himukin ang pagpapalawak ng mga bahay-kalakal na Tsino ng pamumuhunan sa Brunei. Nakahanda ring palakasin ang pakikipagtulungang pandagat sa Brunei, pasulungin ang pagtatamo ng magkasamang paggagalugad sa South China Sea ng substansiyal na progreso sa lalong madaling panahon, at makasamang pasulungin ang malusog na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN.
Binigyan naman ni Hassanal ng mataas na pagtasa ang mungkahi ni Xi hinggil sa pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road. Aniya, nakahanda ang Brunei, kamasa ng panig Tsino, na pasulungin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng ASEAN at Tsina, at pasulungin ang proseso ng integrasyon ng Asya-Pasipiko. Bilang kasaping bansang tagapagtatag, aktibong makikisangkot aniya ang Brunei sa konstruksyon ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Salin: Vera