NEW YORK, UN Headquarters—Ipinahayag kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN ang kanyang pag-asang mararating ng mga kalahok sa idinaraos na Lima Conference ang balangkas ng kasunduaan sa pagbabago ng klima at pagtitibayin ito sa Paris Conference sa susunod na taon.
Ipinahayag ni Ban ang nasabing pag-asa dahil masigasig siya ang mga pangako ng Tsina, Amerika at Uniyong Europeo (EU) kaugnay ng pagbabago ng klima. Kamakailan ay ipinalabas ng Tsina at Amerika ang magkasanib na pahayag sa pagbabago ng klima. Samantala, itinakda naman ng EU ang bagong target ng pagbabawas sa emisyon ng greenhouse gas.
Lalahok aniya siya sa nasabing pulong sa Lima, Peru, sa susunod na linggo.
Idinaraos ang UN Climate Change Conference sa Lima mula unang araw hanggang ika-12 ng Disyembre.
Salin: Jade