Idinaos mula unang araw ng buwang ito sa Lima, Peru ang Ika-20 Pulong ng mga Signataryo ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) at Ika-10 Pulong ng mga Signataryo ng Kyoto Protocol. Kahit mayroong ilang hidwaan, optimistiko pa rin ang iba't ibang panig sa result ng pulong. Sa pulong, ang mga umuunlad na bansa ay gumanap ng mas malaking papel, ito ay maglalatag ng pundasyon sa pagdating ng bagong kasunduan sa pulong ng Paris sa susunod na taon.
Naninindigan ang mga umuunlad na bansa na mahalaga ang mga elementong kinabibilangan ng pagpapababa ng emisyon, adaptasyon, pondo, pagpapalita ng panteknolohiya, konstruksyon ng kakayahan at transparency. Sa katunayan, ang gagawing aksyon ng mga umuunlad na bansa ay nakasalalay sa matatamong pondo, teknolohiya at iba pa. Sa kabilang dako, hindi naman nakahandang magsagawa ng aktuwal na aksyon sa nasabing mga isyu ang maunlad na bansa.
salin:wle