|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagharap sa pagbabago ng klima ay kailangan ng pangmatagalang pagtutulungan ng komunidad ng daigdig.
Ayon sa isang ulat ng United Nations Climate Change Conference na ipinalabas kamakalawa sa Lima, ang pangako ng Tsina, Amerika, at European Union hinggil sa limitasyon sa emisyon ng greenhouse gas ay makakabuti sa pagpapahupa ng global warming, ngunit, kailangan pa rin ang pagsisikap ng iba't ibang bansa.
Ipinahayag ni Hong na kailangan ng pangmatagalang pagsisikap ng komunidad ng daigdig para harapin ang pagbabago ng klima. Ang susi sa kasalukuyan ay komprehensibong pagpapatupad ng action goal bago ang 2020, at ibayo pang pagpapalawak ng puwersa ng pagbabawas ng emisyon bago ang 2020, para maglatag ng pundasyon para marating ang bagong kasunduan sa 2015.
Sinabi ni Hong na bilang isang responsableng umuunlad na bansa, isinagawa na ng Tsina ang maraming hakbangin ng pagpapahupa ng emisyon ng greenhouse gas. Aniya, nagsisikap ang Tsina na para sa 2020, bumaba ng 40% hanggang 45% ang emisyon ng greenhouse gas bawat GDP kumpara sa 2005.
Salin: Andrea
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |