"Maganda ang Mandarin at Filipino ninyo, at umaasa akong magsisikap kayo para mapasulong ang mapagkaibigang relasyon ng Tsina at Pilipinas."
Winika ito ni Erlinda Basilio, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, sa 89 na may dugong Tsinong kabataan na nag-aaral sa Beijing Chinese Language and Culture College.
Ipininid nang araw ring iyon ang autumn camp ng pag-aaral ng wikang Tsino ng mga namumukod na may dugong Tsinong kabataan ng Pilipinas sa taong 2014. Sa gayo'y natapos ng 89 na kabataan mula sa Xavier School ng Pilipinas ang kanilang 42-araw na pag-aaral at pamumuhay sa Tsina.
Humanga si Basilo sa naturang proyekto ng pag-aaral. Sa tingin niya, ito ang pinakamagandang paraan ng pag-uunawa sa Tsina.
Salin: Vera