Ipinahayag kahapon sa Moscow ni Pangulo Vladimir Putin ng Rusya na isinasagawa ng pamahalaan ang isang serye ng hakbang para pangalagaan ang katatagan at kaunlaran ng kabuhayan at lipunan, kabilang dito ang pagbibigay-suporta sa pag-unlad ng industriya, agrikultura, sistemang pinansyal, labour market, katamtamang-laki at maliliit na bahay-kalakal at iba pa.
Noong Marso ng 2014 sapul ng naganap na eskalasyon ng krisis sa Ukraine, nananatiling matumal ang kabuhayan ng Rusya dahil sa isinasagawang sangsyon ng mga bansang kanluranin at malaking pagbaba ng presyo ng langis sa pamilihang pandaigdig. Ayon sa estadistika mula sa panig Ruso, bumaba sa 0.6% ang national economic growth rate noong 2014, mula 1.3% noong 2013.