|
||||||||
|
||
Sa isang press briefing, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na layunin ni Pangulong Aquinong tapusin ang kanyang gawain hanggang sa susunod na taon.
Ayon kay Atty. Valte, bababa si Pangulong Aquino sa ika-30 ng Hunyo, 2016 at ano mang balitang lumabas na paalis na ang pangulo ay pawang walang katotohanan.
Isang palace insider umano ang nagsabing naghahanda na ang Malacanang sa paglisan ni Pangulong Aquino kung sakaling magpatuloy ang mga demonstrasyon laban sa administrasyon.
Idinagdag pa ng palace source na magkakanlong ang pangulo sa kanilang Hacienda Luisita sa Tarlac at ipagtatanggol siya ng kanyang sariling sandatahang lakas at mga alyado.
Nahaharap ang Aquino administration sa mga pagpuna matapos ang napalpak na PNP Special Action Force operation na ikinasawi ng 44 na pulis sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero.
Mas marami umanong sumusuporta sa pananatili ni Pangulong Aquino sa puwesto. Hindi umano nadaragdagan ang mga nananawagan sa pagbibitiw ng pangulo, dagdag pa ni Atty. Valte.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |