Ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na hinimok ng panig Tsino si Le Luong Minh, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na sundin ang walang-kinakampihang paninindigan ng ASEAN sa isyu ng South China Sea, at patingkarin ang positibong papel para sa malusog na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN.
Nang kapanayamin kamakailan ng media, sinabi ni Le na di-lehitimo ang paninindigan ng Tsina sa "nine dotted line" ng South China Sea. Aniya, ang ilang pangyayari na nagaganap sa South China Sea ay humantong sa mas masalimuot na kalagayan sa karagatang ito, at nakaapekto sa konstruksyon ng ASEAN Community.
Kaugnay nito, sinabi ni Hong na may lubos na batayang pangkasaysayan at pambatas ang soberanya at mga kinauukulang karapatan at paninindigan ng Tsina sa South China Sea. Palagiang maliwanag ang kinauukulang paninindigan ng Tsina sa isyung ito.
Tinukoy ni Hong na bilang pangkalahatang kalihim ng ASEAN, maraming beses na ipinalabas ni Le ang pananalitang di-angkop sa katotohanan at tunay na identidad niya. Ito aniya ay malubhang lumabag sa walang-kinakampihang paninindigan na dapat sundi ng ASEAN at pangkalahatang kalihim nito sa mga may kinalamang isyu. Nakapinsala ito sa imahe ng ASEAN bilang isang rehiyonal na organisasyong pandaigdig.
Salin: Vera