Sa kanyang talumpati sa symposium hinggil sa kooperasyon ng Tsina at Amerika sa larangan ng seguridad na pandaigdig, na idinaos kahapon sa Washington, ipinahayag ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika na ang pagpapahigpit ng konstruksyon at kakayahang administratibo ng Tsina sa South China Sea ay makakatulong sa pangangalaga sa seguridad, katatagan at malayang paglalayag sa rehiyong ito.
Ipinahayag ni Cui na hindi nabago at mababago ang paninidigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea, at buong tatag nitong pinapangalagaan at pangangalagaan ang soberanya at lehitimong karapatan at interes sa karagatan. Samantala, nagtitimpi ang Tsina sa usaping ito, dagdag pa niya.
Inulit din ni Cui na ang pagtatatag ng imprastruktura at paglalagay ng kagamitan sa mga isla sa South China Sea ay ang mga suliraning panloob ng Tsina, at hindi itong nakatuon sa ibang bansa.