Ayon sa ulat kahapon ng Detik Online, pinakamalaking news website sa Indonesia, sa kanyang talumpati sa lmperial Hotel ng Tokyo sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Hapon, sinabi ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia na walang papanigan sa isyu ng South China Sea (SCS) ang kanyang pamahalaan, at umaasa lamang itong mapapasulong ang pagtatakda ng Code of Conduct for the South China Sea. Aniya, nangingibabaw ang alitan sa pagitan ng Tsina at mga kinauukulang bansa ng ASEAN sa isyu ng naturang karagatan, kung kailangan, nakahanda ang Indonesia na maging mabuting tagapamagitan
Salin: Vera