Sa isang regular na preskon kahapon, sinabi ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na mula ika-30 hanggang ika-31 ng kasalukuyang buwan, idaraos ng Tsina at Association of South East Asian Nations (ASEAN) sa Yangon, Myanmar ang Ika-13 Working Meeting hinggil sa pagsasakatuparan ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Ani Hua, sa nasabing pulong, malalimang makikipagpalitan ng kuru-kuro ang panig Tsino sa iba't-ibang may kinalamang panig, hinggil sa kung paano komprehensibo at mabisang maisasakatuparan ng DOC, at mapapasulong ang pragmatikong kooperasyon sa dagat.
Salin: Li Feng