|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Wang na ang pananatili ng katatagan at kaunlaran ng relasyon ng Tsina at Amerika ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang makakatulong ang pagdalaw ni Kerry sa kooperasyon at pagkokoordinahan ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Kerry na mahalaga ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa at dapat isagawa ang koopersyon sa mas maraming larangan. Aniya pa, ang kooperasyon ng dalawang bansa ay nakakabuti, hindi lamang sa kanilang sarili, kundi sa buong daigdig.
Kaugnay ng dalaw pang-estado ni Pangulong Xi jinping ng Tsina sa Amerika sa susunod na Setyembre, kapwa nila ipinahayag na magkasamang magsisikap ang dalawang panig para maigarantiya ang tagumpay ng nabanggit na pagdalaw.
Sa kanilang pag-uusap, inulit ni Wang ang paninindigang Tsino sa isyu ng South China Sea. Sinabi niyang matatag ang determinasyon ng kanyang bansa sa pangangalaga sa kabuuan ng teritoryo at soberanya. Umaasa aniya siyang igigiit ng Amerika ang makatarungang paninindigan sa isyung ito at gaganap ng konstruktibong papel.
Bukod pa riyan, sinang-ayunan nilang pahigpitin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangan na gaya ng kabuhayan, militar, paglaban sa terorismo, at pagharap sa pagbabago ng klima.
Kaugnay ng mga isyu kung saan nagkakaiba ang posisyon ng dalawang panig, sinabi ni Wang na dapat hawakan at lutasin ang naturang mga isyu sa pundasyon ng paggalang sa isa't isa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |