Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Beijing sa dumadalaw na Kalihim ng Komersyo ng Amerika na si Penny Pritzker, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na lumalakas ang impluwensiya ng relasyong Sino-Amerikano sa daigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na ibayo pang pasulungin ang relasyong ito batay sa pagpapalakas ng estratehikong pagtitiwalaan, pagpapahigpit ng pragmatikong pagtutulungan at maayos na paglutas sa mga alitan.
Ipinahayag naman ni Penny Pritzker na nakahanda ang Amerika na pasulungin, kasama ng Tsina, ang talastasan hinggil sa pamumuhunan, at mararating ang pagkakasundo sa mga detalye ng pamumuhunan na katanggap-tanggap ng dalawang panig.