|
||||||||
|
||
4. Bayan ng mga matatanda
Sa Village City ng Florida ng Estados Unidos, lumampas sa 10 libong matanda ang naninirahan doon. Sa buong lunsod, pare-pareho ang mga bahay, tumatakbo ang mga golf car sa kalye at ayon sa regulasyong lokal, ang mga bata ay puwedeng manatili sa lunsod nang 30 araw lamang.
5 Asul na Paraiso
Ang bayang Chefchaouen sa hilagang silangang Morocco ay tinatawag na asul na paraiso. Ang lahat ng gusali roon ay pintorado ng asul. Noong 1930s, para maiwasan ang mga Nazi, tumakas ang mga Hudyo sa budok ng Rif, pininturahan nila ang mga pader, pinto, sahig at kalye ng kulay asul. Sa kanilang relihiyon, ang asul ay kumakatawan sa paraiso at nagpapaala-ala sa mga mamamayan na bigyan ng pansin sa kanilang spiritual life.
6. Bayan ng Coca-Cola
Ayaw magpakuha ng litrato ang mga taga-Chamula ang litrado, dahil naniniwala silang kukunin ng larawan ang kanilang kalukuwa. At mayroon isa pang wirdong kaugalian sa lokalidad, ipinalalagay nilang dapat inumin ng mga bata ang mas maraming Coca-Cola upang dumighay. Makakatulong daw ito sa kanila na patalsikin ang mga evil spirits.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |