Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkakaisa ng mga bansa, mahalaga sa pag-unlad ng rehiyon

(GMT+08:00) 2015-06-03 17:32:13       CRI

PANGULONG AQUINO:  MAHALAGA ANG PAGTUTULUNGAN NG MGA BANSA.  Ito ang buod ng kanyang talumpati sa Nikkei 21st International Conference on the Future of Asia sa Tokyo, Japan kanina.  Ang pagtutulungan ng mga bansa ang titiyak sa kaunlaran at seguridad ng rehiyon at daigdig, dagdag pa ni Pangulong Aquino.  (Malacanang File Photo)

SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na sa patuloy na pagliit ng daigdig dahil sa teknolohiya at pagsidhi ng mga suliraning hinaharap, marapat lamang na magtulungan ang mga bansa.

Sa kanyang talumpati sa Nikkei 21st International Conference on the Future of Asia – Special Session, sinabi ng pangulo na nakikita na ng mga bansa hindi lamang ang mga biyayang natatamo kungdi ang pangangailangan ng pagtutulungan at pagsusuri kung paano makaaapekto ang anumang gagawin sa rehiyon at sa daigdig.

Sa nakalipas na 59 na taon, ang pagkakaibigan ng Japan at Pilipinas ay humigit pa sa diplomasya at naging pamantayan ng daigdig sa larangan ng pagtutulungan at pagkakaibigan na naging dahilan ng seguridad.

Nagpasalamat siya sa Pamahalaan ng Japan at sa mga mamamayan nito sa pagkilala at pagtulong sa kanyang ina, ang yumaong Pangulo Corazon Cojuangco Aquino noong nanungkulan siya matapos mapatalsik si Pangulong Ferdinand E. Marcos noong 1986. Bukod umano sa pagkilala, nakipagtulungan ang pamahalaang Hapones sa mga programa ng pamahalaan noong panahon na iyon.

Ang Japan ang sinasabing pinakamalaking trading partner ng Pilipinas sa halagang US$ 19.1 bilyon noong 2014. Ayon pa sa pangulo, maraming mga kumpanyang Hapones ang nasa Pilipinas ngayon.

Ipinagmalaki ni Pangulong Aquino ang pagdaragdag ng budget ng Department of Social Welfare and Development ng higit sa 600% at halos triple ng budget ng Department of Health at halos nadoble ang budget ng Department of Education upang marating ang mga mahihirap na naiiwan sa likod ng magandang takbo ng ekonomiya.

Umaasa si Pangulong Aquino na makatutulong ang Japan sa larangan ng mass transport system sa pagkakaroon ng 14 milyong daytime population mula sa 12 milyong populasyon pagsapit ng gabi.

Nagpasalamat din siya sa Japan sa pagbubukas ng pinto sa pag-uusap ng pamahalaan at mga liderato ng Moro Islamic Liberation Front. Malaki rin ang nai-ambag ng Japan sa paghahanap ng pangmatagalang kapayapaan.

Sa kanyang pagtatapos, nanawagan siya sa mga dumalo sa pagtitipon, na tulungan siyang mapag-ibayo ang relasyon ng mga bansang hindi magkakakilala.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>