|
||||||||
|
||
Nagtagpo kahapon sa Nanjing sina Zhang Zhijun, Direktor ng Taiwan Affairs Office ng Pamahalaang Tsino, at Wang Yu-chi, Puno ng Mainland Affairs Council ng Taiwan, para mapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal sa pagitan ng dalawang panig. Ito rin ang kauna-unahang direktang pagtatagpo sa pagitan ng mga pamahalaan sa magkabilang pampang ng Taiwan Strait sapul noong taong 1949.
Sa kanilang pagtatagpo, nagkasundo ang dalawang panig na isagawa ang ibayo pang kooperasyon at relasyon batay sa "1992 Consensus" at pagtatatag ng regular na mekanismo ng pag-uugnayan sa pagitan ng naturang dalawang departamento.
Tinalakay din nila ang hinggil sa pagpapabuti ng Economic Cooperation Framework Agreement (ECFA), pagpapalalim ng mga kooperasyon nila sa kabuhayan, edukasyon at kultura.
Kaugnay ng naturang pagtatagpo, kapwang ipinahayag ng Amerika at Unyong Europeo ang mainit na pagtanggap. Ipinahayag ni Jennifer Psaki, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na ikinalulugod ng kanyang bansa ang anumang aksyon ng dalawang panig ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait para mapahupa ang tensyon sa rehiyng ito at mapabuti ang kanilang relasyon.
Ipinahayag naman ni Catherine Ashton, Mataas na Komisyoner ng Unyong Europeo na namamahala sa mga patakarang panlabas at panseguridad, na ang naturang pagtatagpo sa pagitan ng Beijing at Taipei ay nagpapakita ng ibayo pang pagpapabuti ng relasyon ng dalawang panig. At umaasa aniya siyang aktibong gagamitin ng dalawang panig na kumakatawan sa magkabilang pampang ng Taiwan Strait ang mga hakbangin para ibayo pang pasulungin ang kanilang relasyon sa mapayapang paraan.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |