Sa pagtataguyod ng Ministring Panlabas ng Tsina, idinaos kahapon sa Beijing ang isang porum hinggil sa relasyong Sino-Amerikano. Lumahok sa porum ang mga mataas na opisyal ng mga may kinalamang departamento ng pamahalaang Tsino, at isinalaysay nila ang kalagayan ng paghahanda para sa Ika-7 China-US Strategic and Economic Dialogue at Ika-6 na China-US High-level Consultation on People-to-People Exchange na idaraos sa susunod na linggo sa Washington DC, Amerika.
Ayon sa mga opisyal na Tsino, tatalakayin sa naturang dalawang aktibidad ang malalawak na paksang sasaklaw sa bilateral, panrehiyon, at pandaigdig na aspekto, para pasulungin ang pagtitiwalaan, pagpapalitan, at pagtutulungan ng Tsina at Amerika, at palalimin ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Anila, ang dalawang aktibidad na ito ay bilang paghahanda rin para sa gagawing dalaw na pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Amerika sa Setyembre ng taong ito, na may target ng pagpapasulong sa pagtamo ng bagong progreso sa pagtatatag ng "new model of major-country relations" ng Tsina at Amerika.
Salin: Liu Kai