Binuksan kahapon sa Washington D.C. ang Ika-5 Diyalogo ng Tsina at Amerika sa Estratehikong Seguridad. Idinaos ang diyalogo sa ilalim ng balangkas ng Estratehiko at Ekonomikong Diyalogo ng dalawang bansa.
Magkasamang nangulo sa diyalogong ito sina Zhang Yesui, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina at Anthony Blinken, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika.
Sa matapat, pragmatiko at konstruktibong atmospera, nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga isyung panseguridad na kapuwa nila pinahahalagahan. Nakahanda silang panatilihin ang pagdidiyalogo at pag-uugnayan para mapahigpit ang estratehikong pagtitiwalaan at mapasulong ang pagtatatag ng matibay na estratehikong relasyong panseguridad ng Tsina at Amerika.
Salin: Jade