Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kooperasyong Sino-Amerikano, angkop sa komong interes ng dalawang bansa at daigdig-Tsina

(GMT+08:00) 2015-06-23 09:58:44       CRI

Idaraos sa Washington ang 7th China-US Strategic and Economic Dialogue(SED), mula ika-23 hanggang ika-24 ng buwang ito. Kaugnay nito, isinapubliko kahapon ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina ang artikulong pinamagatang "Ang Pagtutulungang Isinasagawa ng Tsina at Amerika ay Angkop sa Komong Interes ng Dalawang Bansa at Daigdig," sa magasing "Patakarang Panlabas" ng Amerika.

Sinabi ng artikulo na naitatag ang SED noong 2009. Nitong anim na taong nakalipas sapul nang pagkakatatag ng mekanismong ito, lalo nang kasunduang narating nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Barack Obama ng Amerika hinggil sa pagtatatag ng bagong malaking bansang Sino-Amerikano noong 2013, walang-tigil na umuunlad ang mekanismong ito, at mahigit 700 bunga ang natamo ng dalawang panig sa ilalim ng naturang balangkas. Ito anito'y gumaganap ng mas malaking papel sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.

Anito, kasalukuyang nananatiling mahigpit at malawak ang koordinasyon at pagtutulungan ng Tsina at Amerika sa pangangalaga sa kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan. Samantala anito, nagiging mabunga ang kanilang pagtutulungan sa larangan ng pakikibaka laban sa terorismo, pagpigil sa pagpapalaganap ng malawakang sandatang pangwasak, paglutas sa mga mainit na problemang panrehiyon, paglaban sa krimeng transnasyonal, pagpigil sa pagkalat ng ibat-ibang epidemiya, at iba pa. Anito, bilang dalawang pinanggagalingang puwersa ng kabuhayang pandaigdig, 27.8% at 15.3% na kontribusyon ang ginawa ng Tsina at Amerika noong 2014 para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Anito, bilang miyembro ng G-20 at APEC, magkasamang nagsisikap ang Tsina at Amerika para pasulungin ang pangangasiwang pangkabuhayan ng daigdig, at pasimulan ang prosesong pagtatatag ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Asya-Pasipiko. Anito, sa mga isyung panrehiyon na gaya ng isyung nuklear ng Iran at Hilagang Korea, isyu ng South Sudan, Afghanistan, East Timor, nagsisikap ang Tsina at Amerika para maayos na lutasin ang mga katugong problema at pag-aralan at subukan ang modelo ng trilateral cooperation sa Aprika. Ito anito'y makakatulong sa kapayapaan at katatagan ng mga katugong bansa at rehiyon.

Anito, humihigpit ang pagtutulungan ng Tsina at Amerika sa isyung pagbago ng klima at pagkontrol sa epidemiya ng Ebola.

Ipinahayag ng artikulo ang pag-asang tutupdin ng Tsina at Amerika ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, maitatatag ang bagong relasyon ng malalaking bansa, palalalimin ang estratehikong pagpapalitan at pagtitiwalaan, iiwasan ang maling estratehikong pagtasa, maayos na lulutasin ang mga alitan para palawakin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.

Anito, tatalakayin ng Tsina at Amerika, batay sa balangkas ng SED ang mga isyung may-kinalaman sa kanilang pagtutulungan sa susunod na yugto, na kinabibilangan ng paglaban sa terorismo, pagtutulungang militar, pagbago ng klima, enerhiya, at sa mga isyung panrehiyon na gaya ng Iran, Hilagang Korea, at iba pa.

Anito pa, ang kasalukuyang SED ay para sa paghahanda sa gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa Amerika, sa darating na Setyembre.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>