Ipinatalastas kahapon sa Paris ng dumadalaw na si Premyer Li Keqiang ng Tsina, na binalangkas na ng Pamahalaang Tsino ang bagong climate action plan at isinumite ito sa Climate Change Secretariat ng United Nations (UN).
Ipinahayag ni Li na ang target sa pagbabawas ng emisyon ng Tsina sa taong 2030 ay itinakda batay sa sariling pambansang kalagayan, yugto ng pag-unlad, estratehiya ng sustenableng pag-unlad at pandaigdigang responsibilidad.
Ayon sa naturang dokumento ng Tsina, hangang sa taong 2030, ang bolyum ng pagbuga ng carbon dioxide (CO2) ay aabot sa pinakamataas na antas, ang bolyum ng pagbuga ng CO2 sa per unit ng gross domestic product (GDP) ay babawasan nang 60% hanggang 65% kumpara sa taong 2005, ang bolyum ng konsumo ng non-fossil fuels ay aabot sa halos 20% ng kabuuang bolyum ng konsumo ng enerhiya sa buong bansa, at ang bolyum ng forest stock ay daragdagan nang 4.5 bilyong metro kubiko kumpara sa taong 2005.
Bukod dito, hinangaan ni Li ang pagsisikap ng Pransya para pasulungin ang pagkakaroon ng mga kasunduan sa Climate Change Conference na idaraos sa Paris sa katapusan ng taong ito.