"Ang nakatakdang hakbang at target na isinasagawa ng Tsina para sa pagbabago ng klima hanggang sa taong 2030 ay hindi lamang magbibigay ng 2.5 trilyong dolyares ng pamumuhunan sa larangan ng non-fossil energy, kundi makakatulong rin sa aktibong pakikisangkot ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa aktibidad na nakatuon sa pagbabago ng klima." Ito ang ipinahayag kahapon ni Chung Raekwon, Punong Tagapayo ng Pangkalahatang Kalihim ng UN sa 2015 China Summit on Climate Change na inisponsor ng organisasyong sangay ng Global Campact sa Tsina. Sinabi niyang ang mga may-kinalamang dokumentong isinumite ng Tsina sa UN ay gaganap ng mahalagang ambag para marating ang bagong kasunduan sa ika-21 pulong ng mga signataryong panig ng United Nations Framework Convention on Climate Change, na idaraos sa Paris, Pransya sa katapusan ng kasalukuyang taon.