Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinalabas kahapon ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ng pahayag bilang pagtanggap sa pagharap ng Tsina ng dokumento hinggil sa nagsariling ambag ng bansa sa pagbabago ng klima.
Sa isang regular na preskon, sinabi ni Farhan Haq, Pangalawang Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng UN, na iniharap nang araw ring iyon ng Tsina at Timog Korea ang mga dokumento hinggil sa nagsariling ambag, bagay na gumawa ng ambag para sa pagkakaroon ng bagong kasunduan sa pagbabago ng klima sa gaganaping Paris Climate Conference sa katapusan ng taong ito.
Salin: Vera