Ilang teroristikong pag-atake ang naganap kamakailan sa mga lugar ng Afghanistan na kinabibilangan ng Kabul, kabisera ng bansa. Di-kukulangin sa 72 katao ang nasawi at 400 iba pa ang nasugatan.
Kaugnay nito, ipinalabas kahapon ng United Nations Security Council(UNSC) ang pahayag para kondenahin ang nasabing mga aksyong teroristiko at makiramay sa mga biktima.
Binigyang-diin ng UN ang suporta sa buong lakas na pagbibigay-dagok ng komunidad ng daigdig sa terorismo at pagbibigay-tulong sa pagsisikap ng mga Afghani para maisakatuparan ang kapayapaan, katatagan at demokrasya ng bansa.