Death toll sa malakas na pagsabog sa Tianjin, 116 na
(GMT+08:00) 2015-08-21 17:09:06 CRI
Ayon sa pinakahuling ulat, hanggang kaninang hapon, umabot na sa 116 ang bilang ng mga nasawi sa malakas na pagsabog sa imbakan sa Tianjin, port city sa hilagang Tsina. 60 iba ang nawawala.
Batay sa DNA tests, sa 116 na nasawi, 65 ang kinilalang mga bombero, 7 ang pulis, at 44 ang mga karaniwang tao.