|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Susan Rice, National Security Advisor ng Pangulong Amerikano.
Sinabi ni Pangulong Xi na ang isang matatag at umuunlad na relasyong Sino-Amerikano ay hindi lamang angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, kundi nakakabuti sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigdig.
Sinabi pa ni Xi na dapat pahigpitin ng dalawang bansa ang mga kooperasyon sa mga larangan na gaya ng pagtatalastasan hinggil sa kasunduan ng bilateral na pamumuhunan, pagpapalitang militar, enerhiya, imprastrukstura, mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Umaasa aniya siyang kokontrolin ng dalawang bansa ang mga hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at igagalang ang kani-kanilang nukleong kapakanan.
Sinabi naman ni Rice na pinahahalagahan ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Umaasa ang panig Amerikano na matatamo ang mga positibong bunga ng mga kooperasyon ng dalawang bansa sa mas malawak na larangan. Nakahanda rin ang Amerika na maayos na hawakan, kasama ng Tsina, ang mga hidwaan ng dalawang panig para panatilihin ang matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Kaugnay ng dalaw pang-estado ng Pangulong Tsino sa Amerika sa susunod na buwan, kapwa ipinahayag nila na malalimang magpapalitan ang mga lider ng Tsina at Amerika ng mga palagay hinggil sa relasyon ng dalawang bansa at mga mahalagang isyung pandaigdig.
Kaugnay ng mahalagang aktibidad ng Tsina bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Digmaan ng mga mamamayang Tsino laban sa Pananalakay ng Hapon at World War II (WWII), sinabi ni Rice na mataas na tinasahan ng panig Amerikano ang malaking ambag ng Tsina sa WWII at malalimang pagkakaibigan ng dalawang bansa noong panahong iyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |