Kaugnay ng sinabi kamakailan ni Daniel Russel, Asistanteng Kalihim ng Kagawaran ng Amerika, na malulutas lamang ng Tsina at Pilipinas ang hidwaan sa South China Sea sa pamamagitan ng arbitrasyon, ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pananalitang ito ay hindi angkop sa ipinangakong paninindigan ng Amerika sa naturang isyu.
Tinukoy ni Lu na ang Amerika ay walang kinalaman sa isyu ng South China Sea, kaya dapat tumalima ito sa pangakong hindi papanig sa anumang bansa sa isyung ito, at huwag gumawa ng mga bagay na hindi makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng nasabing rehiyon.
Inulit din ni Lu na hindi nagbabago ang paninindigan ng Tsina hinggil sa hindi pagtanggap at hindi paglahok sa arbitration case na unilateral na iniharap ng pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa isyu ng South China Sea.
Salin: Liu Kai